News Releases

English | Tagalog

Maymay, inilabas ang awitin ng katatagan na "Masunog Man"

January 08, 2026 AT 03:50 PM

Bagong empowering anthem hango sa pagsubok na pinagdaanan

Hatid ni Maymay Entrata ang kwento ng pagsubok, pagbangon, at paghilom sa bago niyang kanta na pinamagatang“Masunog Man.”

Ito ang bagong empowering anthem mula sa Kapamilya actress-singer na kumuha ng inspirasyon sa pagsubok na pinagdaanan niya magmula ng magkasakit ang kanyang ina hanggang sa tuluyang pagpanaw nito.

“Itong ‘Masunog Man’ ay nagrereflect siya sa kung paano ako magmahal. Two years ago, hindi po ako nag-share kung ano yung pinagdaanan ko. Na-diagnose ang nanay ko ng malubhang sakit at pinili ko na hindi ko siya ibahagi sa publiko,” kwento ng “Roja” star sa “Masunog Man” launch na ginanap noong Miyerkules.

“Hindi po maiwasan yung panahon na nasaktan ako pero dahil sa strength na ibinibigay ng Panginoon sa akin pinili kong lumaban. Even po I’m still hurting at yung hurt na yun nagsi-symbolize siya ng parang burn,  parang nasusunog ako inside dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko nung panahon na yun, pero masaya naman ako after po nun dahil naintindihan naman ng karamihan yung pinagdaanan ko,” paliwanag niya.

Inaalay niya ang “Masunog Man” sa mga taong may parehong pinagdadaanan.

“Gusto ko ipamahagi itong kanta dun sa mga lumalaban nang tahimik na sana po hindi nyo pagsisihan lahat ng sakripisyo na binigay nyo dahil nagmamahal lang naman kayo, nagmamahal lang naman tayo ng walang hinihiling na kapalit,” sabi ni Maymay.

Ang “Masunog Man” ang latest music offering niya na inilunsad sa ilalim ng StarPop label ng ABS-CBN. Kabilang na ito sa mga tumatak niyang awitin tulad ng “Amakabogera,” “Paradise,” “Tsada Mahigugma,” at iba pa.

Napapakinggan na ang “Masunog Man” sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, X (Twitter), Instagram, and TikTok, or visit corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Maymay, inilabas ang awitin ng katatagan na "Masunog Man"