News Releases

English | Tagalog

Mga bagong kampyeon ng “Tawag Ng Tanghalan Duets 2,” makikilala na ngayong Sabado

January 15, 2026 AT 12:17 PM

15 Duets, maglalaban-laban para makakuha ng spot sa Huling Tapatan

 

Pangmalakasang labanan ang matutunghayan ng madlang people buong linggo ngayong magpapamalas ang 15 duets ng kanilang angking galing sa pagkanta para makakuha ng spot sa “ “Tawag ng Tanghalan Duets 2 Grand Finals” ngayong Sabado (Enero 17).

 

Sa huli, limang pares lamang ang uusad at may tsansang makuha ang korona bilang “Tawag ng Tanghalan Duets 2” grand champions.

 

Alamin kung sino kina Waray Warriors” Christian at Francheska, “TNT Bestmates” Thor at Pia, “The Produ-Singers” Mike at Shan, “J’s The 2 Of Us” Jayda at J-Kris, “Hugot Buddies” Hana at Emmanuel, “Dugong Bughaw” Miah at Eunice, “Soul Swaggerz” Dylan at Aericka, “OST Dreamers” Christian at Arvery, “Jezzian” Jezza at Ian, “SZN 7” Jhon at Judy Lou, “Pangmala-Cousins” Mark at JR, “In-2-U” Isay at Nowi, “Soul Titas” Chin-Chin at Meleena, “Bai-tastic Duo” Dan at MC, at “Duo Bisdak” Juliana at Shane ang mananaig at sumunod sa yapak ng “TNT Duets 1” grand winners na sina JM Dela Cerna at Marielle Montellano. 

 

Sa unang araw ng weeklong grand finals ay nanaig ang pares na “Dugong Bughaw” na sina Miah at Eunice laban kina “Waray Warriors” Christian at Francheska, at “Hugot Buddies” Hana at Emmanuel matapos nila makuha ang pinakamataas na score na 97.6% mula sa hurados na sina Ogie Alcasid, Jonathan Manalo, Nyoy Volante, Bituin Escalante, at Jed Madela.

 

Sa ikalawang araw naman nanalo ang “Pangmala-cousins” na sina Mark at JR, laban kina “SZN 7” Jhon at Judy Lou, at “J’s The 2 Of Us” Jayda at J-Kris matapos nila makuha ang pinakamataas na score na 94% mula sa hurados na sina Ogie Alcasid, JM Yosures, Nyoy Volante, Bituin Escalante, at Darren.

 

Sino-sino pa kaya ang makakasamang pares nina Miah at Eunice, at Mark at JR sa “Tawag ng Tanghalan Duets 2 Grand Finals?”

 

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan Duets” Season 2 sa “It’s Showtime” tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa GMA,  Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live (YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment), iWant, at TFC IPTV.

 

Mapapanood din ang hit online show na “Showtime Online U” sa It’s Showtime YouTube channel.

 

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE