Pasabog at world-class performances mula sa pagsasama-sama ng Kapamilya stars at rock bands ang matutunghayan sa isang engrandeng live selebrasyon sa “ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat,” na mapapanood ngayong Linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant bilang magpasalamat sa patuloy na suporta ng mga manonood.
Isang star-studded opening number ang pangungunahan ng pamilya ng “ASAP” tampok sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Alexa Ilacad, kasama ang Six-Part Invention, BINI, BGYO, at mga bida hit primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” na sina Coco Martin at Maris Racal.
Makikibahagi rin sa opening ang mga host ng “It’s Showtime” na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Darren Espanto, Ryan Bang, Ion Perez, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, MC, at Lassy, kasama ang stars ng “Roja” na sina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Kai Montinola, AC Bonifacio, Emilio Daez, Harvey Bautista, Gello Marquez, Kobi Brown, Maika Rivera, Lou Yanong, at Jeremiah Lisbo, pati na rin ang mga artista ng “What Lies Beneath” na sina Janella Salvador, Charlie Dizon, Sue Ramirez, Kaila Estrada, Jake Cuenca, JM De Guzman, at Jameson Blake.
Abangan din ang isang nakaka-kilig na number mula sa mga bida ng “The Alibi” na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, habang manghaharana naman ang lead star ng “Someone, Someday” na si James Reid sa kanyang bersyon ng kantang “Foolish Heart.”
Magpapatuloy ang selebrasyon sa inaabangang performances ng mga sikat na tandem nina Donny at Belle , at Joshua Garcia at Julia Barretto. Magbabalik-tanaw naman sa OPM classics sina Martin, Gary, Ogie, Erik, Jason Dy, at Sofronio sa kanilang VST hits performance, habang magbibigay ng espesyal na kolaborasyon ang December Avenue at Moira dela Torre, at sina Darren, Kyle, at Marko Rudio.
Tampok din sa selebrasyon ang isang Aegis hits production number na pangungunahan ng Kapamilya singing champions na sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Klarisse de Guzman, Jona, Alexa Ilacad, Kai Montinola, JM dela Cerna, Marielle Montellano, Elha Nympha, Esang de Torres, Christian Tibayan at Arvery Lagoring, na magtatapos sa isang kaabang-abang na collaboration nina Regine Velasquez at Rufa Mae Quinto.
Sunod-sunod na dance showcases ang dapat abangan sa pangunguna ng PBB Big Winners Kim Chiu at Melai Cantiveros, kasama si Teacher Georcelle at ang G-Force students, gayundin ang PBB Gen 11 Big 4 na sina Fyang Smith, Rain Celmar, Kolette Madelo, at Kai, at ang PBB Kapamilya Collab Big 4 na sina Brent Manalo, River Joseph, Ralph de Leon, at Esnyr Ranollo.
Huwag din palampasin Kapamilya ladies number mula kina Maris Racal at AC Bonifacio, pati ang pasabog na dance prod nina Darren Espanto, Robi Domingo, Enchong Dee, BGYO Gelo, at BGYO Nate, kasama sina Joshua Garcia, Jane Oineza, Jameson Blake, Fyang, at JM Ibarra, Gela Atayde, Matt Evans, Kat Galang, Miggy Jimenez, Bong Gonzales, at Verna Tuliao pati na MNVRS Ignite at G-Force.
Tunghayan din ang trending band performances tampok sina AC Bonifacio, Fyang Smith, at Bianca de Vera kasama ang The Bloomfields kung saan kakantahin nila ang “Ale,” at isang all-star finale na pangungunahan ng Mayonnaise.
Magsisilbilbing hosts naman ngayong Linggo sina Robi, Janine Gutierrez, Belle, Alexa, Kyle, at Darren.
Napapanood na ang “ASAP” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Huwag palampasin ang part 1 ng “ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat” ngayong Linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.


