Patuloy na tinatangkilik at sinusubaybayan ng mga manonood ang “What Lies Beneath” habang umeere sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at mga pangunahing online streaming platforms, at pinupuri ang serye sa matapang nitong pagtalakay sa mahahalagang isyung panlipunan, partikular ang karapatan ng kababaihan.
Mainit na pagtanggap ang nakuha ng serye mula sa mga manonood sa pagbibigay-diin nito sa women’s rights, lalo na sa mga eksenang ipinakita kung paano tumulong si Erica (Kaila Estrada) sa kanyang kaibigang si Mel (Sue Ramirez) upang ipagtanggol ang sarili laban sa mapang-abusong asawa nitong si Anton (Jameson Blake).
Sa ngayon, magsasanib-pwersa na sina Alice, Beth (Charlie Dizon), at Erica (Kaila Estrada) para tulungan ang kaibigan si Mel para maipanalo ang kaso laban sa asawa. Hindi magiging madali yun lalo pa ipinalabas niya na siya ang biktima sa storya sa pamamagitan ng pagsisiwalat niya sa publiko na may relasyon si Mel kay Lucas (JM De Guzman).
Sa kabila ng kasong kanilang pinaglalaban ay tuloy pa rin ang paghahanap nila kay Edong.
Makuha kaya ni Mel ang hustisya at tuluyang mapakulong si Anton? Samantala, ano kaya ang susunod nilang hakbang para mapigilan ang paghihiganti ni Edong?
Bukod sa matinding suporta mula sa netizens, nananatili ang “What Lies Beneath” sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWant at Netflix PH. Ang kasalukuyang mga episode nito ay nakapagtala rin ng halos 200,000 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment—ang may pinakamaraming subscribers na media at entertainment channel sa Southeast Asia.
Abangan ang mas tumitinding mga eksena sa “What Lies Beneath,” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:30 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at iba pang platforms. Maari ring manood sa Kapamilya Online Live, A2Z, iWant, at Netflix.
Para sa pinakabagong updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang ABS-CBN Newsroom.



