Pinakabagong pop-rock band mula sa Tarsier Records
Matapang na ipinaalam ng pop-rock indie band na The Cohens ang nilalaman ng kanilang puso sa bagong single na “Romantiko.”
Mula sa komposisyon ng lead vocalist na si Paolo Lim ang indie-pop alternative track habang nakasama niya rin ang bandmates na sina Aaron Parlade at Joe Puyat sa produksyon nito.
Binubuo ang banda na mula sa Quezon City nina Paolo (lead vocals), Aaron (lead vocals/rhythm guitar), Karl Valdez (bass), Milo Heraldo (lead guitar), at Joe (drums).
Inilunsad nila ang self-titled debut album noong 2015 tampok ang mga awitin na “She Doesn’t Know It Yet” at “Beach (Walk Away).” Sinundan nila ito ng kanilang EP na “Ahh.Wow.Gets.YunNaLang” at singles na “Wag Naman,” “Coffee Break,” at “Dalampasigan.”
Noong 2025, inilabas nila ang unang single sa ilalim ng Tarsier na “Paano Ba ‘To?”
Available ang “Romantiko” ng The Cohens sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.


