Handa na magpasiklab sa “Unang Hakbang: The WRIVE 1st Album Showcase”
WRIVE, INILUNSAD ANG SELF-TITLED DEBUT ALBUM
Minarkahan ng promising P-pop group na WRIVE ang kanilang unang hakbang sa recording sa pamamagitan ng kanilang self-titled debut album na sumasalamin sa kwento ng pag-ibig at mga pangarap nila bilang recording artist.
Binubuo ang album ng 10 awitin—“Hollywood,” “Hakbang,” “Pangkalawakan,” “Panaginip Na Lang,” “Pano Kung,” “Color Cash,” “Don’t Make Me Hate You,” at ang singles na “Ooh La La” at “Señorita.”
Katulong ng grupo na kinabibilangan nina Asi, Drei, Ishiro, Matthew, at Russu sa pagbuo ng album sina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, Jeremy G, Kiko “KIKX” Salazar, ALAS, Angelo Macanaya, Derick ‘OC-J’ Gernale, at Willie Cuevas.
Nagsisilbing album key track ang “Hakbang” na tungkol sa patuloy na pagsulong upang maabot ang mga pangarap, gaano man ito kalayo o kahirap abutin.
Masasaksihan ng fans nang libre ang all-out performances ng grupo sa “Unang Hakbang: The WRIVE 1st Album Showcase” na gaganapin sa SM North Edsa Annex Atrium sa Sabado (Enero 17), 4pm.
Nag-debut ang WRIVE noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mga kantang “Ooh La La” at “Señorita.” Kinilala sila bilang New Group Artist of the Year sa PPOP Music Awards 2025 at nakasama sa Biggest Rising P-pop Group nominees ng NYLON Manila’s Big Bold Brave Awards 2025.
Sumabak na rin sila sa malalaking entablado at naging guest performer sa iba’t ibang concerts tulad ng “Grand BINIverse,” Maki “KOLORCOASTER” concert, at “PBB Collove” concert na ginanap sa Araneta Coliseum.
Available ang debut album ng WRIVE sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang WRIVE sa Facebook, X, Instagram, at TikTok.
Para sa updates, i-follow ang Star Music sa Facebook, X , Instagram, TikTok, at YouTube




