News Releases

English | Tagalog

Moira, Rufa Mae, Alexa at Kai, Billy, Darren, at Sexbomb Dancers, may dalang selebrasyon sa “ASAP” ngayong Linggo

January 10, 2026 AT 08:27 AM

Kaabang-abang ang pasabog performance nina Moira, Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad at Kai Montinola, Billy Crawford, Darren, at Sexbomb dancers ngayong Linggo (Enero 11) sa “ASAP.”

Isang matinding collaboration ang matutunghayan ng fans kina Moira, Kai, at Alexa. Matapos naman ang trending impersonation ni Rufa Mae bilang si Moira, abangan ang kanilang pang-malakasang face-off sa “ASAP” stage. 

Pasabog na opening performance ang dapat abangan ng manonood mula kina Billy Crawford, Darren, Martin Nievera, Yeng Constantino, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Gerald Anderson, Enchong Dee, AC Bonifacio, Gela Atayde, Ken San Jose, Ogie Alcasid, Erik Santos, Sofronio Vasquez, Jason Dy, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Ignite, at G-Force.

Maki-indak sa sayawan ng Sexbomb dancers kasama sina Joy Cancio, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Gela Atayde, Ice Almeria, Michelle Garcia, AC Bonifacio, Ken San Jose, at Vigor Dancers.

Tutukan ang kahanga-hangang champions reunion showdown mula kina Martin, KZ Tandingan, Erik Santos, Sheryn Regis, Jona, Gerald Santos, Darren, at Lyca.

Walang bibitaw at tunghayan ang sorpresang pagbabalik ni Iza Calzado sa dance floor kasama sina Teacher Georchelle, G-Force, at G-Force Flip students.

Pupunuin naman ang inyong araw ng saya sa kantahan at sayawan kasama ang WRIVE, KAIA, at BGYO.

Huwag palampasin ang pasabog solo act ni Jane De Leon, na susundan ng isang espesyal na duet nina Erik Santos at Darren.

Abangan din ang tribute performance nina Martin, Ogie Alcasid, Jona, Alexa, Jason Dy, Zsa Zsa Padilla, Elha Nympha, Marko Rudio, Sofronio Vasquez, Regine Velasquez, Erik Santos, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, at G-Force para sa nag-iisang bandang Queen.

Magtatapos ang selebrasyon sa isang walang patid na kantahan mula kina Martin, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, at Yeng Constantino.

Panoorin ang country’s longest running at award-winning musical variety show na “ASAP” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2.

Mapapanood din ang “ASAP” sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, at A2Z,  iWant, at worldwide sa TFC.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Moira, Rufa Mae, Alexa at Kai, Billy, Darren, at Sexbomb Dancers, may dalang selebrasyon sa “ASAP” ngayong Linggo