Kapamilya teleserye, nangunguna sa puso ng mga Pilipino
Nangunguna pa rin si Tanggol sa puso ng mga Pilipino na patuloy na sinusundan ang “FPJ’s Batang Quiapo,” na umeere na sa ALLTV2 pati na rin sa A2Z, Kapamilya Channel, at online, matapos nitong magtala ng mataas na TV ratings at online views.
Nanaig ang “FPJ’s Batang Quiapo” laban sa mga katapat nitong programa nang magrehistro ito ng pinagsamang average na 15.5% para sa iba’t ibang channel sa total Philippine household TV ratings, mas mataas ito kumpara sa mga katapat na serye na nakakuha ng pinagsamang average na 14.3% sa iba’t ibang channel at delayed telecast ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” at 1.3% naman para sa “Totoy Bato.” Ang datos ay mula sa Kantar Media na sumasaklaw sa parehong urban at rural homes mula Enero 21 to 27.
Nagpapasalamat ang Primetime King na si Coco Martin sa mga sumusubaybay sa kwento ni Tanggol, saan man ito mapanood, mapa-free TV sa A2Z at ALLTV2, Kapamilya Channel sa cable, at online sa YouTube at iWant.
Maging sa online ay namamayagpag ang “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan ilang beses itong nakapagtala ng mahigit 600,000 concurrent views o mga sabay-sabay na nanonood sa Kapamilya Online Live noong Enero 26 to 30 sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment, ang may pinakamaraming subscribers na media at entertainment channel sa Southeast Asia.
Sa loob ng tatlong taon, gabi-gabing pinatutuloy ng mga Pilipino sa kanilang mga tahanan si Tanggol kung saan natutunghayan ang maaaksyon niyang laban at importanteng aral sa kanyang pakikipagsapalaran para sa hustisya.
Napapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



