News Releases

English | Tagalog

iWant, maghahatid ng saya sa Southern Negros kasama ng KCAT

February 18, 2026 AT 02:13 PM

Abot-kamay na ang pinakamalaking koleksyon ng Pinoy feels tampok sa iba’t ibang movies at series!

Mas madarama ng mga Kapamilya ang pagmamahal, saya, at pag-asa hatid ng iba’t ibang pelikula, series, at teleseryes mula sa pinakamalaking koleksyon ng Filipino feels matapos magsanib-pwersa ang streaming platform ng ABS-CBN na iWant at cable at internet provider na Kabankalan Communication Antenna TV, Inc. (KCAT).

Simula Marso, naka-pre-install na ang iWant sa Android TV boxes ng KCAT, kaya mas madali nang mapapanood ng mga subscriber sa Negros Occidental, na kinabibilangan ng Kabankalan, Cauayan, Himamaylan, Ilog, Mabinay, Sipalay, at Candoni, ang paborito nilang mga palabas direkta sa kanilang telebisyon.

Mapapanood sa iWant ang iba’t ibang shows at series, pati classic at blockbuster films. Available rin ang ilang palabas bago pa ito ipalabas sa free TV, kabilang ang pinakabagong ABS-CBN at GMA collaboration na “The Secrets of Hotel 88,” gayundin ang mga top-rated teleserye ng ABS-CBN tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo,” “What Lies Beneath,” at “Roja.”

Pinangunahan nina ABS-CBN Digital head Jamie Lopez at KCAT president at chief executive officer Jose Luis Dabao ang paglagda sa partnership nitong Pebrero 2026, na layong palawakin ang access sa dekalidad na mga palabas lalo na sa mga lugar sa labas ng malalaking lungsod.

Bahagi rin ng kasunduan ang pag-avail ng KCAT ng iWant Premium Monthly Plan vouchers na maaaring makuha ng kanilang mga subscriber bilang dagdag na benepisyo sa kanilang cable at broadband packages.

Para sa mga pinakabagong balita at update, i-follow lamang ang iWant sa  Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE