News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, bubuo ng OPM band sa bagong docu-reality show sa YouTube

February 19, 2026 AT 02:34 PM

“The Next Big Band,” itatampok ang mga respetadong pangalan sa musika bilang mga hurado
Sisimulan na ng ABS-CBN ang pagbuo sa susunod na OPM band sensation sa kauna-unahang music docu-reality show nito sa YouTube, ang “The Next Big Band,” na mapapanood simula ngayong Huwebes (Pebrero 19) sa ABS-CBN Entertainment YouTube, ang most-subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia na mayroong 54.6 milyong subscribers.
 
Masasaksihan sa programa ang pag-abot ng pangarap ng mga hopeful musician sa kanilang pagpapakitang-gilas ng kanilang talento, habang naglalaban para sa pagkakataong mapabilang sa kauna-unahang banda ng ABS-CBN.
 
Mapapanood ang Star Music artist na si Gello Marquez sa docu-reality show bilang isa sa mga kalahok na ipapamalas ang kanilang hilig sa musika, natatanging talento, at nakakaantig na mga kwento.
Tampok din dito bilang mga hurado sina ABS-CBN Music head of creatives, content, and operations Jonathan Manalo, kasama ang heads ng iba’t ibang ABS-CBN Music labels na sina Rox Santos ng Star Pop, Marey Garcia ng Tarsier Records, at Gab Tagadtad ng DNA Music, pati na rin ang musical director ng Six Part Invention na si Rey Cantong. 
 
Bahagi ang “The Next Big Band,” mula sa ABS-CBN Studios at ABS-CBN Music, sa inihahandog na YouTube originals ng ABS-CBN kasunod ang tagumpay ng “Kuan on One,” “Sparks Camp,” “Zoomers,” at iba. 
 
Subaybayan ang magiging takbo ng pangarap ng mga musikero sa “The Next Big Band” simula Pebrero 19 (Huwebes) ng 7 PM sa pag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. May bagong episode na ipapalabas kada linggo.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

ABS-CBN, bubuo ng OPM band sa bagong docu-reality show sa YouTube