News Releases

English | Tagalog

Hit Chinese drama “Go Ahead," magtatapos na ngayong linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV 2

February 05, 2026 AT 12:31 PM

Magtatapos na ngayong linggo ang hit Chinese drama “Go Ahead,” na umeere sa Kapamilya Channel sa ALLTV 2, iWant, at A2Z, kung saan haharapin na ng mga karakter ng award-winning stars na sina Song Weilong, Zhang Xincheng, at Tan Song Yun ang mga sugat ng nakaraan at mga problema ng kani-kanilang pamilya.

 

Sa natitirang ilang gabi, patuloy na susubukin ang relasyon nina Enzo (Song Weilong) at Janna (Tan Song Yun) lalo pa at lubos pa rin ang pagtutol ng ina ni Enzo na si Lyn (Yang Tong Shu) sa dalawa.  

 

Bukod pa rito ang problema ni Janna tungkol sa pag-akusa sa kanya ng isang senior designer na nangopya ito ng disensyo kahit pa hindi nilalabas ni Janna ang kanyang nilikha. 

 

Sa kabilang banda, may pag-iibigan naman na mukhang mabubuking sa pagitan ng tatay ni Janna na si Hector (Tu Songyan) at ng biological mother ni Kevin (Zhang Xincheng) na si Mei (Yuan Ran). 

 

Maayos kaya ni Enzo ang kanyang relasyon sa ina at matanggap kaya ng ina niya si Janna? 

 

Huwag palampasin ang finale week ng “Go Ahead” Lunes hanggang Biyernes, 10:15PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV 2, iWant, at A2Z. 

 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Hit Chinese drama “Go Ahead," magtatapos na ngayong linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV 2