News Releases

English | Tagalog

"The Secrets of Hotel 88," ipapalabas na sa iWant ngayong Pebrero 23

February 12, 2026 AT 03:18 PM

Inihahandog ng iWant ang unang pagpapalabas sa inaabangang mystery-romance series ng ABS-CBN at GMA Network na “The Secrets of Hotel 88” na produced by Star Creatives, simula Pebrero 23 (Lunes), pitong araw bago ito ipalabas sa free TV.

Pinagbibidahan ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” housemates na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, AZ Martinez, Ralph De Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr, Xyriel Manabat, Josh Ford, Kira Balinger, Dustin Yu, Bianca De Vera, and Will Ashley ang programa na tampok ang kapanapanabik na kwento tungkol sa pamilya, pamana, at mga lihim na matagal nang nakatago.

Tampok sa “The Secrets of Hotel 88” ang kwento ng magkakapatid na Fernandez—si Martin (Ralph), Gio (Brent), at Kiko (Will) na sa pagkamatay ng kanilang ama ay natuklasan nilang maghahati sila sa pag-aari ng Hotel 88.

Mas titindi ang tensyon at galit ng magkakapatid patungo sa isa’t isa dahil pare-pareho nilang gusto makamtan ang iniwang pamana ng kanilang ama para sa kani-kanilang ambisyon at pakay.

Higit pa sa lumalalang alitan ng magkakapatid, haharapin rin nila ang pamilya Almazan—Luna Almazan (Mika Salamanca), Leon Almazan (River Joseph), Jade Almazan (Bianca De Vera), at Justin Almazan (Josh Ford)—na nag-aangking pag-aari nila ang Hotel 88.

Bukod sa nakakaantig na kwento, magbibigay rin ng kilig ang paboritong loveteams na nabuo sa Bahay ni Kuya, kabilang rito ang BreKa, DustBia, Willca, AZRalph, at JoKira.

Huwag palampasin ang pagkakataong mapanood ng 7 days in advance ang episodes ng “The Secrets of Hotel 88” dahil ipapalabas na ito sa iWant ngayong Pebrero 23 (Lunes).

Damhin ang bawat feels! I-download ang iWant app at mag-subscribe ngayon sa halagang ₱35 bawat buwan sa pamamagitan ng Google Play, Apple App Store, o sa iwanttfc.com.

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa FacebookXInstagramTikTok, and Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 8 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"The Secrets of Hotel 88," ipapalabas na sa iWant ngayong Pebrero 23