
“It’s Showtime” at “What Lies Beneath,” wagi!
Kinilala ang ABS-CBN bilang Digital Media Network of the Year sa 2026 Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia noong Pebrero 18 (Miyerkules).
Itinanghal rin ang “It’s Showtime” na Best Noontime Show, habang kinilala naman ang “Magandang Buhay” bilang Celebrity Talk Show of the Year.
Ang primetime drama na “What Lies Beneath” ay pinarangalan bilang Socially Relevant TV Series para sa pagtatalakay nito ng mga importanteng isyung panlipunan.
Samantala, ginawaran naman si Zen Hernandez ng Female News Anchor of the Year na pagkilala para sa kanyang dedikasyon sa paghahatid ng napapanahong balita sa “TV Patrol.”
Ang Platinum Stallion National Media Awards ay nagbibigay-pugay sa mga huwarang personalidad, programa, pelikula, at organisasyon sa industriya ng media sa bansa. Ang mga nagwagi ay hango sa resulta ng botohan ng mga estudyante, alumni, guro, kawani, at stakeholders ng Trinity University of Asia.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



