News Releases

English | Tagalog

Part 2 Ng “ASAP Presents: All2gether Kapamilya: A Grand Pasasalamat,” eere na ngayong Linggo

February 06, 2026 AT 10:26 PM

Tuloy-tuloy ang selebrasyon ngayong Linggo (Pebrero 8) sa isang engrandeng musical celebration para sa mga solid Kapamilya hatid ng Kapamilya stars at rock bands  sa “ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat” Part 2, na mapapanood nang live sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.

Engrandeng grand opening number ang bubungad sa fans ngayong Linggo sa  pangunguna nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, at Michelle Garcia, kasama ang housemates ng “PBB Gen 11” na sina Fyang Smith, Kai Montinola, JM Ibarra, Jarren Garcia, Kolette Madelo, Rain Celmar, Jas Dudley-Scales, at Binsoy Namoca, pati na rin ang mga housemates ng “PBB Celebrity Collab”na sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr Ranollo, at Bianca de Vera.

Hindi dapat palampasin ng Blooms ang pasabog na number mula sa BINI tampok ang kanilang hits na “Salamin,” “Shagidi,” at “Bikini.”

Humanda na rin sa pangmalakasang performance nina Regine Velasquez-Alcasid, Belle, at Anne Curtis kasama ang Imago.

Bonggang collabs din ang handog nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid kasama ang Soapdish, at nina Jolina Magdangal at Jona kasama ang 6Cyclemind. Samantala, maki-jamming sa hit songs ng Mayonnaise.

Abangan naman ang madamdaming performance mula kina Moira, Klarisse, at Darren, at susundan ito ng pasabog na number mula kina Martin Nievera, Erik Santos, Kyle, at Neocolours.

Magpapatuloy ang libreng concert experience sa performancel nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jason Dy kasama ang Freestyle.

Samahan naman ang BGYO sa pagkanta nila ng latest song na  “Divine,” habang huwag din palampasin ang bersyon nina Marko Rudio, Darren, at Kyle ng “Gento” at “Dam.”

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Alexa, Kyle, at Darren.

Mapapanood na ngayon ang “ASAP” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

 

Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng “ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat” ngayong Linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.

Part 2 Ng “ASAP Presents: All2gether Kapamilya: A Grand Pasasalamat,” eere na ngayong Linggo