News Releases

English | Tagalog

"Like U" album ni Belle, inilabas na

February 20, 2026 AT 08:37 AM

Tampok ang 8 awitin na nagpapakatotoo pagdating sa iba’t ibang estado ng pag-ibig

Pamilyar na kwento ng iba’t ibang estado ng pag-ibig ang hatid ng new gen phenomenal actress-singer na si Belle Mariano sa bagong labas niyang album na pinamagatang “Like U.” 

Naglalaman ang latest StarPop release ng walong kanta na tungkol sa pagkahulog sa pag-ibig, pagiging heartbroken, paghilom, at pagkakaroon ng bagong pag-asa.  

Kabilang sa mga awitin ang “The Puzzle” at “Makulay” na isinulat nina Jonathan Manalo at Roque “Rox” Santos, “Numbers Don’t Lie” na mula sa komposisyon ni Rox, “Pintuan” at “Like You” na binuo ni Trisha Denise, “Magdadala” at “Get Out” mula kay Jonathan, at “Nowhere Now Here” na hango sa panulat ni Dennis Campañer. Si Rox din, ang StarPop label head, ang nagsilbing overall album producer. 

Nagsisilbing key track ng album ang “Like You” na tungkol sa pagkakatagpo sa isang tao na may presensyang nakakabuti sa lahat ng aspeto. 

Sinusundan ng music drop ni Belle ang announcement ng kanyang reunion film kasama si Donny Pangilinan na “Tayo Sa Wakas,” ang bagong aabangang proyekto niya mula sa Star Cinema. 

Ginawaran si Belle ng Listener’s Choice award sa Billboard Philippines Women in Music at Lullaby Artist Award ng Spotify noong 2024.  Siya ang nasa likod sa iba’t ibang hits tulad ng “Bugambilya,” “Sigurado,” “Tanging Dahilan,” at iba pa. 

Napapakinggan na ang “Like U” album ni Belle sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

"Like U" album ni Belle, inilabas na