News Releases

English | Tagalog

BGYO, tunay na "Fresh" sa kanilang bagong single

February 20, 2026 AT 12:12 PM

Bagong hip-hop anthem tungkol sa confidence at pagiging totoo

Ipinamalas ng BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang kanilang cool at refreshing vibe sa single na “Fresh,” ang pinakabago nilang music offering pagkatapos ipagdiwang ang kanilang ikalimang taon sa industriya. Napapanood na sa BGYO Official YouTube channel ang music video nito.

Mula sa komposisyon ni Mikki ang awitin na umiikot sa pagkakaroon ng kumpiyansa at pagiging proud sa sarili. 

Ang “Fresh” ang unang Tagalog single ng grupo mula nang inilabas nila ang “Andito Lang” noong 2024. Kabilang ang Filipino boy group sa performers ng “DUNK Showcase” sa K-Arena, Yokohama, Japan kasama ang OPM artists na SB19 at Cup of Joe. 

Back-to-back ang mga naging proyekto ng BGYO noong 2025 na sinimulan nila sa self-titled EP tampok ang singles na “Trash” at “Divine.” Umarangkada na ito sa halos 7 million streams sa Spotify.

Sinundan nila ito ng kanilang latest EP na “Headlines” dala ang mga awitin na “All These Ladies,” “Dance With Me,” “Aloe Vera,” at ang title track nito. Unang beses ipinerform ng BGYO ang “Headlines” sa Music Countdown sa Thailand at bumida rin sila sa Summer Sonic 2025 na ginanap sa Bangkok.

Nagpasiklab din ang Filipino boy group sa kanilang kauna-unahang solo concert na ginanap sa New Frontier Theater noong Oktubre.

Napapakinggan na ang “Fresh” ng BGYO sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang @bgyo_ph sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at mag-subscribe sa BGYO Official YouTube channel. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE