Balik-primetime ang Asia’s Original Heartthrob na si Jerry Yan sa kanyang Chinese drama na “Forbidden Flower,” na tiyak magpapa-antig at magpapa-iyak sa mga manonood simula ngayong Lunes (Pebrero 9) sa Kapamilya Channel, ALLTV2, iWant, at A2Z.
Kilig overload ang matutunghayan sa serye, lalo pa at makakasama ni Jerry rito ang Asian Superstar na si Xu Ruo Han. Samahan sila sa isang kwentong puno ng pag-ibig at pag-asa.
Iikot ang “The Forbidden Flower” sa kwento ni He Ran (Xu Ruo Han), isang 20 anyos na art teacher na nagmula sa isang mayaman at konserbatibong pamilya. Magbabago ang kanyang tahimik niyang buhay nang makilala niya si Xiao Han (Jerry Yan), isang mahusay na horticulturist na may tinatagong nakaraan.
Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, mabubuo ang isang malalim na pag-iibigan na susubukin ng panahon dahil sa malubhang sakit ni He Ran. Habang hinaharap nila ang mga pagsubok, pareho silang makakahanap ng ginhawa at lakas sa isa’t isa.
Mapaglalaban kaya nila ang pagmamahalan sa kabila ng banta sa kalusugan ni He Ran at tinatagong nakaraan ni Xiao Han?
Huwag palampasin ang “Forbidden Flower” simula Pebrero 9 (Lunes), 10:15PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, iWant, at A2Z.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.



