News Releases

English | Tagalog

KD, inilunsad ang self-titled debut album

February 27, 2026 AT 10:34 AM

Nagbabalik-musika dala ang 8 awitin na puno ng pagmamahal

Balik-recording ang Kapamilya singer-actor na si KD Estrada hatid ang self-titled debut album na umiikot sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig.

Tampok sa album ang walong awitin, “Dito,” “Over And Over,” “Together,” “Stay,” “Be With U (Acoustic Version),” “Ikaw Ang Simula,” “Sala,” at “Napadaan Lang,” na naglalarawan sa pagkahulog ng damdamin, heartbreak, at pagkakaroon muli ng pag-asa.

Umiikot key track na “Ikaw Ang Simula” sa muling pag-uumpisa kasama ang taong nagbibigay liwanag at kapayapaan sa buhay. Mula ito sa komposisyon ni Gab Tagadtad at produksyon ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Inilabas ni KD ang una niyang single na “One of Many” noong 2019. Sinundan niya ito ng iba’t ibang singles na “Days,” “Love Led Us Here,” at “Be With U.” Naging bahagi rin siya ng “Run to Me” soundtrack kung saan inawit niya ang “Misteryo” at “When I See You Again” kasama si Alexa Ilacad.

Bukod sa musika, bumida rin si KD sa iba’t ibang serye tulad ng “Unloving You,” “Bola, Bola,” at “Pira-Pirasong Paraiso.” Pinasok din niya ang mundo ng teatro at naging bahagi ng “Bagets The Musical” at “Walang Aray.”

 

Napapakinggan ang debut album ni KD sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE