Ibabahagi ng mga broadcast journalist ng ABS-CBN ang mga lugar, kuwento, at karanasang humubog sa kanila sa “Philippine Hometown Stories.”
Muling bibisitahin nina Dennis Datu, Andrea Taguines, Bea Cuadra, at Michael Delizo ang mga magagandang tanawin ng kani-kanilang probinsya sa Bauan, Tarlac, Iloilo, at Imus. Bukod sa mga istorya nila mula pagkabata, ipapakilala rin nila ang mga pagkain at aktibidad na maaaring gawin ng mga turista.
Ibibida ni Dennis Datu ang ganda ng Bauan, Batangas mula sa tahimik na baybayin hanggang sa lokal na pagkain gaya ng londres at buchi-buchi.
Samantala, ipapasilip naman ni Andrea Taguines ang tradisyon, kultura, at pagkain gaya ng bagis, bersyon na sisig ng Tarlac na gawa sa kalabaw.
Ipapatuklas naman ni Bea Cuadra ang kasaysayan at ganda ng Iloilo na magpapahikayat sa mga manonood na bisitahin rin ang iba pang lugar sa probinsya gaya ng Leon, Alimodian, at Bucari.
Panoorin ang “Philippine Hometown Stories” tuwing Huwebes, 8pm sa ABS-CBN News Youtube channel.




