Coco, ratsada na sa aksyon sa huling 10 na gabi!
Pagkatapos tutukan ng sambayanang Pilipino ang isa sa pinakamasalimuot na linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo,” aarangkada na ang mas pinatinding aksyon sa pangunguna ni Tanggol (Coco Martin) para sa huling sampung gabi ng serye.
Raratsada na ang bakbakan dahil handa na si Tanggol para sa isang malaking digmaan laban sa pamilya Guerrero matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng pinakamamahal niyang tropa.
Matutunghayan na sa serye ang pagsiklab ng isang malaking rebolusyon tampok ang mga makapigil-hiningang komprontasyon kung saan makikipagsanib-pwersa si Tanggol sa taumbayan upang patalsikin sa pwesto ang mga Guerrero.
Isa sa mga dapat abangan sa mga susunod na episode ay ang matinding girian sa pagitan nina Tanggol at Miguelito (Jake Cuenca) sa city hall ng Maynila. Sa kabila ng gulo sa Quiapo, maaaring may magbuwis din ng buhay dahil sa paggamit ng dahas laban sa mga kakampi ni Tanggol na sina Tindeng, Roda, at Ponggay (Charo Santos, Joel Lamangan, at Maris Racal).
Sino-sino ang susunod na mamamaalam sa serye?
Napapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Sama-samang subaybayan ang huling laban ni Tanggol sa huling dalawang linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.







