News Releases

English | Tagalog

“Roja,” nakamit ang bagong online record sa pasabog na finale

March 15, 2026 AT 08:07 AM

Bagong simula nina Donny at Kyle, tinutukan!

Pasabog ang pagtatapos ng Kapamilya action seryeng “Roja,” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri, matapos itong gumawa ng bagong online record para sa finale episode noong Biyernes (Marso 13).
Nagtala ang naturang episode ng bagong all-time high na 747,933 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube.
Matapos ang walang humpay na bakbakan sa serye, “mission accomplished” ang mga bida na sina Liam (Donny) at Olsen (Kyle) na nakapagsimula ng bagong buhay at muling binuksan ang La Playa Roja resort.
Kilig overload naman ang hatid ng mga karakter nina Maymay Entrata at Jeremiah Lisbo sa kanilang sweet moments sa episode matapos opisyal nilang idineklara na magjowa na sila.
Umani ng papuri ang “Roja” mula sa netizens para sa makabuluhan nitong kwento na kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapatawad, paggawa ng tama, paglaban para sa hustisya, at marami pang iba.
Para sa updates sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

“Roja,” nakamit ang bagong online record sa pasabog na finale