Isa sa mga pinag-usapang Korean drama noong 2025 na “Love Scout,” mapapanood na rin ng Pinoy viewers simula ngayong araw sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, at iWant.
Pinagbibidahan ito ng Korean stars na sina Han Ji-min at Lee Jun-hyuk, na kapwa kinilala sa SBS Drama Awards 2025 matapos manalo ng Top Excellence Award dahil sa kanilang pagganap sa serye.
Umani ng papuri ang “Love Scout” dahil sa kakaiba at mas mature nitong kuwento, lalo na sa karakter ng male lead na tinawag ng fans na isang “green flag.”
Sa kuwento, si Kang Ji-yoon (Han Ji-min) ay isang matagumpay na CEO ng headhunting company na todo sa trabaho ngunit hirap sa kanyang personal na buhay. Magbabago ang kanyang mundo nang makilala niya si Yoo Eun-ho (Lee Jun-hyuk), ang kanyang mabait at maaasahang secretary na tutulong magbigay ng balanse sa kanyang magulong buhay.
Habang magkasama nilang hinaharap ang mga hamon sa trabaho, unti-unti ring nabubuo ang espesyal na koneksyon sa pagitan nila.
Abangan ang premiere ng “Love Scout” ngayong Lunes (March 16) sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, at iWant.

