Sino ang matsutusgi sa huling 10 gabi ng “FPJ’s Batang Quiapo”?
Sunod-sunod ang pasabog na bakbakan ni Coco!
Ipinasilip ng ABS-CBN ang mga maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) na dapat abangan sa umiigting na huling sampung gabi ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Sa mala-pelikulang mga litrato ng “first look” sa mga eksena, makikita ang maangas na bakbakan ng mag-amang Ramon (Christopher De Leon) at Tanggol, at ang emosyonal na pagpapahirap nina Rigor (John Estrada)) at Roberto (Albert Martinez) laban kina Tindeng (Charo Santos) at Roda (Joel Lamangan).
Sa pagtatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo,” all-in-one ang gigil, aksyon, at drama sa nakatakdang paghaharap ng mga bigating karakter. Sino sa kanila ang magwawagi at sino ang matetegi?
Sasabog na kasi ang makapigil-hiningang komprontasyon sa pagitan ng mga mortal na kaaway – Tanggol laban kina Miguelito (Jake Cuenca) at Roberto, Rigor laban kay Ramon, at hindi rin pahuhuli ang eskandalong eksena nina Marites (Cherry Pie Picache) at Jackie (Angel Aquino).
Napapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Sama-samang panoorin ang huling laban ni Tanggol sa huling dalawang linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.








