News Releases

English | Tagalog

Angela Ken, handang maghintay para sa pag-ibig sa bagong single na "baka bukas"

March 16, 2026 AT 02:21 PM

Bagong anthem para sa hopeless romantics matapos ang collab kasama ang Over October

Hindi nawawalan ng pag-asa ang singer-songwriter na si Angela Ken na kumapit sa nararamdaman niyang pag-ibig sa bagong single na “baka bukas.”

“It’s a song for hopeless romantics but it can also be for the dreams we want to own, the unanswered prayers we want to claim and happen kasi malay mo baka bukas,” saad ng Tarsier Records artist.

Isinulat ni Angela at iprinodyus ni Ken Ponce ang pop-contemporary folk song na tungkol sa pagkakaroon ng tapang na magmahal at maghintay kahit na walang kasiguraduhan na masusuklian ito.

Inilunsad ni Angela ang “baka bukas” music video na napapanood na sa Tarsier Records YouTube, kung saan nakasama niya ang Kapamilya actor na si Aljon Mendoza.

Binuksan ni Angela ang taon hatid ang collaboration niya kasama ang Over October para sa awitin na “Moved on Last.” Umani na ito ngmahigit 300,000 streams at naging tampok din sa Spotify OPM Rising at Tatak Pinoy playlists.

Kamakailan ay naging bahagi siya ng “KOLORCOASTER: One More Ride” concert ni Maki kung saan inawit nila ang duet version ng “Sikulo.” Sumabak din siya sa international stage at naging bahagi ng 30th Asian Television Awards kung saan kinanta niya ang “Kulimlim.”

Pinasok ni Angela ang industriya noong 2021 dala ang breakout hit na “Ako Naman Muna” na umani ng mahigit 70 million streams sa Spotify. Inilabas naman niya ang self-titled debut album noong 2022 tampok ang singles na “Akala Maling Akala” at “It’s Okay Not to Be Okay.” Patuloy ring ipinamalas ng Kapamilya artist ang talento sa songwriting sa mga kantang “Pwede Bang Mamaya?” “Alas-Diyes,” at marami pang iba.

Napapakinggan na ang “baka bukas” ni Angela Ken sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE