Global Official Fanclub ng BINI bukas na
Bahagi na ang Filipino girl group na BINI ng global superfan platform na Weverse simula ngayong Lunes (Marso 16).
Isa ang BINI sa dalawang P-pop icons, kasama ang SB19, na kabilang na sa nangungunang superfan community simula ngayong Marso. Nagsisilbing platform ang Weverse sa mahigit 170 artists, kasama ang K-pop superstars na BTS at SEVENTEEN at global acts na sina Ariana Grande at Dua Lipa.
Ibabahagi ng BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena ang kanilang musika at iba pang eksklusibong content sa mas maraming audiences na nasa iba’t ibang panig ng daigdig sa pagbubukas ng membership sa kanilang Global Official Fanclub.
Maari ring mag-subscribe ang Blooms, ang official fandom ng BINI, sa Bloom Official Membership na malapit na ring magbukas sa nasabing platform handog ang first dibs sa concert tickets pre-sales at iba’t ibang events at merch. Magkakaroon din ng access ang mga miyembro nito sa mga livestream at iba pang content, maaari pang makasali sa online at offline happenings, raffles, at fan meets, at makabili ng ekslusibong items.
May pagkakataon ding i-migrate ang kasalukuyang BINI Global members na may active subscription sa Bloom Official Membership sa Weverse. Kailangan lang nilang bisitahin ang BINI Global Exclusive Membership page,-i-check ang kanilang eligibility, at sundan ang steps para sa membership transfer.
Dagdag excitement ang pagkakabilang ng BINI sa Weverse community sa inaabangang Coachella performance ng grupo sa darating na Abril 10 at 17, na isang breakthrough moment na magbibida sa OPM sa global stage.
Patunay rin ito sa lumalawak na global footprint ng grupo na may 16 million combined followers sa iba’t ibang social platforms at lumalagong connection sa kanilang local at international fans.
Noong Marso 5, inilabas ng BINI ang mga bagong kanta na “Honey Honey” at “Unang Kilig.” Nakatakda naman silang bumida sa “Signal Detected: Blooms Day with BINI” event sa Ayala Malls Market! Market! sa Marso 21 (Sabado).
Makisaya sa mas pinalawak na fandom ng BINI, pumunta sa Weverse site o i-download ang app nito. Para sa updates, sundan ang BINI sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube, o bisitahin ang bini.abs-cbn.com.





