Awitin para sa mga nonchalant na unti-unting umiibig
Inamin ng singer-songwriter at multimedia artist na si Cesca ang tunay na nararamdam ng kanyang puso sa bagong awitin na “I’m Nilalamig.”
“This song is about that awkward, exciting phase where I’m clearly catching feelings but pretending I’m not. I try to act normal, keep my distance, convince myself I’m being demure, until one small moment completely gives me away. Saying I’m cold turns into him offering his coat, and from there, things just shift,” saad ng StarPop artist.
Ang indie pop track ay isinulat at prinodyus ni Cesca bilang hudyat ng kanyang pagbabalik sa music scene. Nakatuwang din niya sa pagpo-produce ang StarPop label head na si Roque Rox Santos.
Noong 2022, inilunsad ni Cesca ang debut extended play (EP) na “Travel” tampok ang singles na “Lovesick – Pagmahalasakit,” “Pambihirang Harana,” at “What If.” Umani ang EP ng mahigit 18 million streams sa Spotify. Nakatanggap din siya ng nominasyon para sa Best Traditional/Contemporary Folk Recording sa 36th Awit Awards.
Sinundan niya ito ng kanyang unang full-length album na “Balse ng Gabi” kung saan nakasama niya si Maki para sa title track nito. Naging bahagi rin siya ng collaboration song na “Wala? Nandiyan” kasama sina Trisha Denise at Belle Mariano. Bukod sa sarili niyang musika, nakapagsulat siya ng mga awitin para sa ibang artists tulad ng “Somber” ni Belle.
Napapakinggan ang “I’m Nilalamig” ni Cesca sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

