News Releases

English | Tagalog

Coco, ibibida ang pinakamaaksyong finale para sa "FPJ's Batang Quiapo"

March 09, 2026 AT 03:40 PM

Mga Pilipino, tutok sa huling laban ni Tanggol 

 

Walang hanggan ang pasasalamat ni Coco Martin sa mga Pilipinong nagmamahal sa “FPJ’s Batang Quiapo” kaya naman handog niya ang pinakamalupit na maaksyong finale sa huling limang gabi ng serye. 

 

“Gabi-gabi po sinamahan niyo kami sa inyong mga tahanan. Punong-puno ng pagmamahal at suporta po ang binigay niyo sa amin. Kahit saan man po kaming istasyon mapadpad, nandiyan pa rin po kayo at hindi niyo kami binitawan,” mensahe ng Primetime King sa grand pasasalamat sa “ASAP” nitong Linggo (Marso 8).

 

“Pinaghihirapan namin ang show. Sa lahat ng mga Pilipino, kayo po ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban. Ginagawa po namin ang pinaka-best namin para mapaglingkuran at mapasaya kayo,” sabi pa niya.

 

Pagkatapos ng tatlong taon ng pagiging pinakapinapanood na primetime teleserye sa bansa, handog ni Coco ang pinakamalaking pasabog na ending, na punong-puno ng aksyon at rebelasyon, na yayanig sa damdamin ng mga manonood. 

 

Kaabang-abang dito ang pagtatanghal kay Tanggol (Coco) bilang opisyal na Mayor ng Maynila kung saan ibabalik niya ang dangal sa lungsod. Ngunit, muling sisiklab ang digmaan sa  pinamagatang “Manila war zone” kung saan mag-aagaw buhay si Tanggol.

 

Para sa huling laban ni Tanggol, magsasagawa ng isang matinding rebelyon sina Miguelito, Roberto, at Rigor (Jake Cuenca, Albert Martinez, at John Estrada) para patumbahin siya. Makakaligtas kaya si Tanggol sa engkwentro?

 

Napapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

 

Sama-samang panoorin ang huling laban ni Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “FPJ’s Batang Quiapo,” bisitahin ang batangquiapo.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 12 PHOTOS FROM THIS ARTICLE