News Releases

English | Tagalog

“Dear MOR” umabot na sa 50 milyong streams, wagi ng Spotify Creator Milestone Award

March 02, 2026 AT 04:01 PM

ABS-CBN’s podcast “Dear MOR” continues to bring love, inspiration, and world-class storytelling digitally as it bagged a Creator Milestone Award from Spotify for amassing over 50 million streams in November 2025.

“Dear MOR,” patuloy sa pagbibigay inspirasyon!

Nagwagi ng Creator Milestone Award mula sa Spotify ang “Dear MOR” podcast ng ABS-CBN matapos itong makapagtala ng higit 50 milyong online streams kamakailan.

Nawala man sa radyo, patuloy ang pamamayagpag ng “Dear MOR” digitally, pati na rin ang paghahatid nito ng kwentong buhay at pagibig ng mga Pilipino na ngayon ay napapakinggan na rin sa buong mundo.

Inilunsad bilang podcast noong Mayo 2020, patuloy ang “Dear MOR” sa paghahatid ng mga kwentong kinapupulutan ng saya, aral, at inspirasyon ng mga tagapakinig nito.

Mapapakinggan ang “Dear MOR” sa Spotify, Apple Podcasts, YouTube, at iba pang podcast streaming platforms.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE