News Releases

English | Tagalog

iWant, pina-level up ang saya sa Cavite at Laguna katuwang ang FIBERBLAZE

March 30, 2026 AT 02:56 PM

Hatid ang pinakamalaking koleksyon ng Pinoy feels sa Cavite at ilang bahagi ng Laguna

Mas pina-level up ang saya, kilig, at iba’t ibang Pinoy feels sa lalawigan ng Cavite at ilang bahagi ng Laguna matapos opisyal na magsanib-puwersa ang streaming platform ng ABS-CBN na iWant at ang cable at internet provider na FIBERBLAZE.

Bida sa nasabing collaboration ang libreng access sa iWant para sa bagong subscribers sa ilalim ng FIBERBLAZE Get More Promo na tatakbo hanggang Mayo 31, 2026, dagdag sa kanilang Unlimited Fiber Internet at Digital Cable TV bundle plans.

Kasama na ang iWant sa subscription packages ng FIBERBLAZE, kaya maa-access na ng mga bagong subscriber sa mga pangunahing lugar sa Cavite, kabilang ang Dasmariñas, Imus, Silang, General Trias, Trece Martires, General Mariano Alvarez, Tanza, at Naic, pati sa San Pedro, Laguna, ang streaming platform gamit ang kanilang telebisyon, smartphone, tablet, o computer.

Hatid ng iWant ang eksklusibo at unang access sa ilang inaabangan at paboritong palabas tulad ng pinakabangong collab ng GMA Network at ABS-CBN na “The Secrets of Hotel 88,” na mapapanood nang pitong araw bago ito ipalabas sa telebisyon. Kasama rin dito ang iba’t ibang iWant Originals, bagong shows at series na may sariwang Pinoy feels, pati classic at blockbuster films at microdramas. Tampok din ang mga iWant Original titles gaya ng “Ghosting,” “BINI World Tour Stories,” at “Love at First Spike.”

Available rin sa platform ang pinakabagong primetime lineup ng ABS-CBN, kung saan mapapanood ang “Blood vs Duty” simula Abril 4 at available nang 48 oras bago ito ipalabas sa telebisyon, habang kasalukuyan nang mapapanood ang “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” sa iWant pitong araw bago ito ipalabas sa free TV, kasama ang “What Lies Beneath,” ang South Korean romance drama na “Love Scout,” at ang hit Chinese drama na “Forbidden Flower.”

Pinangunahan nina ABS-CBN Digital head Jamie Lopez, kasama sina Dasca Cable Services head of sales and marketing King April Jay Labarda at operations manager Catherine Dela Rea-Vega, ang paglagda sa partnership.

Layunin ng kolaborasyong ito na mas mapalawak ang access sa digital entertainment at mas mailapit ang kalidad na streaming content sa mga Pilipino na nasa malalayong komunidad.

Itinatag ang FIBERBLAZE noong 1998 bilang Dasca Cable Services Inc., isang lokal na cable operator sa Dasmariñas kung saan matagal nang bahagi ng kanilang serbisyo ang content mula sa Creative Programs, Inc. (CPI), ang content distribution arm ng ABS-CBN. Kalaunan, pinalawak nito ang serbisyo sa Unlimited Fiber Internet at lumago sa iba’t ibang lugar sa Cavite sa pamamagitan ng iba’t ibang sangay, kabilang ang Dasca Cable Services Inc. (FIBERBLAZE Dasmariñas), Meridian Cable TV Inc. (FIBERBLAZE Imus), Spectrum Cable Network and Broadband Inc. (FIBERBLAZE Silang at Naic), at Infinity Broadband Inc. na sumasaklaw sa General Trias, Trece Martires, General Mariano Alvarez, at Tanza.

Noong 2025, pinalawak ng FIBERBLAZE ang serbisyo nito sa labas ng Cavite patungong Laguna, simula sa lungsod ng San Pedro, bilang bahagi ng tuloy-tuloy nitong paglawak sa mga karatig-probinsya.

Bahagi ang partnership na ito sa patuloy na pagsisikap ng FIBERBLAZE na pagandahin ang kanilang bundled services, kabilang ang Unlimited Fiber Internet at Digital Cable TV, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng digital entertainment offerings para sa kanilang mga subscriber.

Para sa iba pang updates, sundan ang iWant sa  Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE