
Panalo ang “Home of Filipino Feels” ads ng iWant na umabot na sa mahigit 15 milyong views sa digital platforms.
Nasungkit ng iWant ng ABS-CBN ang global award na Best Online Advertising Campaign sa Streaming category ng Global Entertainment Awards para sa kampanyang “iWant 3.0: Turning Filipino Feels into Global Subscription Growth.”
Ipinakita sa mga maikling digital ads ang iba’t ibang emosyon na hinahanap ng mga manonood—mula kilig at gigil hanggang tampo at senti.
Nakapagtala ito ng 141.6 million impressions at halos 1 million clicks. Dumoble rin ang bilang ng PH subscribers ng platform sa loob ng unang anim na linggo ng kampanya.
Ang award-winning campaign ay ginawa ng ABS-CBN katuwang ang advertising agency na BBDO Guerrero.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
