Nanalo ang ABS-CBN Global sa prestihiyosong Anthem Awards para sa makapukaw-damdaming 30th anniversary campaign ng The Filipino Channel (TFC) na “Always At Home With You.”
Ang Anthem Awards ay iginagawad ng The Webby Awards sa mga kampanya na nagsusulong ng makabuluhang pagbabago sa mundo.
Ang “Always At Home With You” ay inilunsad noong 2024. Tampok dito ang mga boses ng mga batikang artista ng ABS-CBN, pati na rin ang mga dokumentaryong sumasalamin sa kwento, sakripisyo, at tagumpay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na patuloy na nagsusumikap sa ibang bansa para sa kanilang mga pangarap at mahal sa buhay.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.
