News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, inanunsyo ang primetime lineup simula Marso 16

March 10, 2026 AT 08:03 PM

Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at si Coco Martin sa milyon-milyong Pilipino na sumubaybay sa kwento ni Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na naging pinakapinanonood na primetime series sa Pilipinas mula 2023.

 

Sa pagtatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Marso 13, maglulunsad ang ABS-CBN ng bagong primetime lineup simula Marso 16.

 

Magbubukas ang primetime block ng ABS-CBN ng 8 PM sa pangunguna ng “The Alibi,” na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

 

Susundan ito ng mystery drama na “What Lies Beneath” ng 8:45 PM, na patuloy na kinakapitan ng mga manonood kung sino ang totoong killer, at ang South Korean romance drama na “Love Scout” ng 9:30 PM, na pinagbibidahan nina Lee Jun-Hyuk at Han Ji-min.

 

Mapapanood naman ang patok na Chinese drama na “Forbidden Flower” ni Jerry Yan ng 10:15 PM.

 

Samantala, ililipat sa ibang petsa ang inaabangang teleseryeng “Sigabo,” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes, habang patuloy ang preparasyon nito para maghandog ng isang bago at kapanapanabik na serye sa lahat ng manonood. 

 

Patuloy na mapapanood at mae-enjoy ang mga programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at iWant.

 

Maraming salamat, Kapamilya!

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE