News Releases

English | Tagalog

Patok na teleserye ng ABS-CBN, mapapanood na sa India

March 24, 2026 AT 12:04 PM

Pitong Kapamilya serye, magiging available na sa isa sa pinakamalaking free streaming platforms sa South Asia…

 

Mapapanood na sa India ang ilan sa mga patok na teleserye ng ABS-CBN.
Pitong serye kabilang ang “It’s Okay to Not Be Okay,” “Love in 40 Days,” “Can’t Buy Me Love,” “Senior High,” “2 Good 2 Be True,” at ang “He’s Into Her” Seasons 1 and 2 ay magsi-stream sa Amazon MX Player sa 2026.
Ito ang unang pagkakataon na may Filipino dramas sa nasabing platform sa India.
Idu-dub ang mga serye sa Hindi posibleng sa iba pang Indian languages para mas maintindihan ng mas maraming manonood doon.
Hiwalay pa rito, ipapalabas din ang parehong mga serye sa Vietnam, Myanmar, at Pacific Islands.
Bukod sa India, napapapanood na rin ang mga nasabing serye sa  ilang bahagi ng Asia, na lalo pang nagpapalakas sa lumalawak na reach ng ABS-CBN sa South at Southeast Asia.
Bisitahin ang internationalsales.abs-cbn.com para sa karagdagang detalye tungkol sa ABS-CBN International Distribution. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.