News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, may bagong entertainment podcast na "Oh My Gan" kasama si Ganiel Krishnan

March 31, 2026 AT 03:30 PM

Miss World Philippines 2026 Asia Rose Simpson, Angelica Panganiban, at Joaquin Arce,  makakakwentuhan ni Ganiel

Inilunsad ng ABS-CBN News ang pinakabagong podcast na “Oh My Gan”, sa pangunguna ni entertainment journalist Ganiel Krishnan, tampok sa YouTube ang candid na usapan tungkol sa buhay ng mga artista at kilalang personalidad sa likod ng kamera.

 

Nakapagtala agad ang digital talk show ng libo-libong views sa mga unang episode nito, tampok ang mga guests na sina Belle Mariano, Sam Versoza, at Amy Perez, na nagbahagi ng kanilang buhay at mga aral na kanilang natutunan.

 

May espesyal na segment din ang podcast na Jenga, kung saan pipili ang bawat guests ng mga tanong at sasagutin ito on the spot, dahilan para makapagbukas ng candid na usapan.

 

Makakakwentuhan naman ni Ganiel ang Miss World Philippines 2026 Asia Rose Simpson sa darating na Miyerkules (Abril 1), Angelica Panganiban sa Abril 8 (Miyerkules) at Joaquin Arce sa Abril 15 (Miyerkules)

 

Makisaya sa kwentuhan sa “Oh My Gan” tuwing Miyerkules, 8PM sa ABS-CBN News YouTube channel.

 

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE