Ibinahagi ng stars ng “What Lies Beneath” kung gaano nilang ipinagmamalaki na parte sila ng isang hit na serye na tumatalakay sa mga napapanahong isyu habang binibigyang-boses ang mga kuwento ng kababaihan.
Pinangungunahan nina Charlie Dizon, Sue Ramirez, Kaila Estrada, at Janella Salvador umiikot ang serye sa apat na magkakaibigang na tinago ang katotohanan tungkol sa pumatay sa kanilang kaibigang si Louisa (Mutya Orquia). Makalipas ang ilang taon, unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kasabay ng pagbabalik ng mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan.
Sa finale media conference ng serye, sinabi ng mga bidang aktres na tumatak ang “What Lies Beneath” sa mga manonood dahil sa matapang nitong pagtalakay sa mga napapanahong tema na nagbubukas ng kamalayan at nag-uudyok ng mahahalagang diskusyon, kaya naman nagpaguusapan ito sa social media.
Samantala, lubos din ang pasasalamat nina Jake Cuenca, Jameson Blake, Race Matias, at JM de Guzman sa patuloy na suporta ng mga manonood, lalo na sa mga nakikita nilang samu’t saring diskusyon at teorya tungkol sa mga twist ng kuwento.
Mula nang ipalabas ito, naging usap-usapan sa social media ang “What Lies Beneath” at hindi nawala sa listahan ng most-watched series sa iWant at Netflix Philippines dahil sa patuloy pagkapit ng manonood sa kung sino ang tunay na pumatay kay Louisa.
Umani rin ng papuri ang serye mula sa netizens dahil sa matibay nitong paglalarawan ng women empowerment at sa mabusisi nitong pagtalakay sa mga pinagdaanan at katatagan ng kababaihan.
Ayon sa X user na si Angel, “Props to whoever is behind the production of the show for actually tackling real and relevant issues. My favorite part, among many others, was probably when the women who were also victims of domestic violence stood up for Mel. That was powerful.”
Dagdag pa ng Reddit user na si Wuttver, na kabilang sa mahigit 17,000 active users na naka-subscribe sa community thread ng serye, “Super na-appreciate ko ang mga taong nasa likod ng WLB dahil ang ganda ng execution nila sa pagpakita ng women empowerment—hindi lang sa dialogue kundi pati sa maliliit na detalye ng bawat eksena.”
Sa nalalabi na episodes ng serye, mas marami pang nakakagulat na rebelasyon ang dapat abangan ng manonood. Patuloy na samahan sina Mel (Sue), Alice (Janella), Beth (Charlie), at Erica (Kaila) sa kanilang pag-alam sa buong katotohanan at sa pagpigil nila sa paghihiganti ni Edong (Jake Cuenca).
Abangan ang nalalabing episodes ng “What Lies Beneath,” Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot na 8:45 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, A2Z, iWant, at Netflix.
Para sa pinakabagong updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang ABS-CBN Newsroom.


