News Releases

English | Tagalog

Anak TV, sinimulan na ang screening para sa 2026 awards

March 19, 2026 AT 11:34 AM

Nagsimula na ang screening at voting para sa 2026 Anak TV Awards matapos idaos ang Media Literacy Symposium sa Ilocos Sur.

Dumalo ang daan-daang magulang, guro, at estudyante sa Saint Paul College of Ilocos Sur kung saan pinanood at in-evaluate nila ang mga programang maaaring tumanggap ng Anak TV Seal, isang pagkilala sa child-friendly at family-friendly na palabas.

Ayon kay Anak TV president Elvira Yap-Go, mahalagang may gabay ang mga bata sa tamang panonood at paggamit ng media lalo na sa panahon ng social media.

Aniya, “Anuman ang sitwasyon ng inyong pamilya, mahalaga ang papel ninyo bilang magulang. Kayo ang ilaw na gumagabay sa mga bata. Being the light means guiding your children to make the right and responsible decisions on their media consumption.”

Nagbahagi ng talakayan sina ABS-CBN Corporate Communications head Kane Errol Choa tungkol sa epekto ng social media hate at cyberbullying.

Nagsalita naman ang Knowledge Channel Foundation Platforms and Partnerships head Danie Rose Sedilla-Cruz tungkol sa responsable at makabuluhang paggamit ng media.

Nagpahayag naman ng suporta sina school chaplain Rev. Msgr. Gary Noel Formoso, school president Sr. Ma. Nilda Masirag, at guidance services team leader Sr. Dahlia Corazon Dabu sa media literacy program ng Anak TV.

Dumalo rin ang Anak TV ambassadors na sina Ayra Mariano at Joshua Dionisio ng UNTV.  Kinantahan ng hosts ng “Good Morning Kuya” ang mga dumalo sa symposium.

Magpapatuloy ang screening sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang bahagi ng pagpili sa mga tatanggap ng 2026 Anak TV Seal Awards.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE