News Releases

English | Tagalog

Stars ng “Blood vs Duty” magpapasiklab ng kasiyahan sa "ASAP" ngayong Linggo

March 26, 2026 AT 02:24 PM

Lella Ford at James Reid magbibigay ng positibong energy sa “ASAP”

 

Mapupuno ng kasiyahan at inspirasyon ang “ASAP” ngayong Linggo (Mar.29) sa hatid nitong bonggang performances, sa pangunguna ng mga bida ng “Blood vs Duty.” 

 

Hindi dapat palampasin ng fans ang pinakahihintay na performance ng mga bida ng “Blood vs Duty” na sina Richard Gutierrez, Gerald Anderson, Bela Padilla, Barbie Imperial, Baron Geisler, at Ejay Falcon, kasama si Marko Rudio. 

 

Magbibigay pag-asa ang bonggang opening number nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren, Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Elha Nympha, Carmelle Collado, Kai Montinola, Esang De Torres, JM Yosures, Marko, Jason Dy, Jarlo Base, Jane De Leon, AC Bonifacio, Gela Atayde, Klarisse De Guzman, Khimo Gumatay, Jeremy Glinoga, Jarren Garcia, at “PBB Celebrity Collab 2.0” Kapamilya Big Winner Lella Ford kasama ang MNVRS Ignite at G-Force.

 

Makisabay din sa sayawan at kantahan kasama ang bagong single ni James Reid na “Traffic.”

 

Punong-puno ng good vibes ang champions showdown nina Erik at Jason, Klarisse at Jona, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, Arvery Lagoring at Christian Tibayan, at Carmelle and Elha. 

 

Sumabay sa “Choopeta” dance craze kasama sina  Jane, Jane Oineza, Rain Celmar, Bianca De Vera, at Kolette Madelo kasama ang G-Force. Susundan ito ng pangmalakasang sayawan nina AC, Gela, Jameson Blake, Jeremy, at Folk Jumpers 2025 WDCC Adult Crew Division Champions kasama ang Legit Status. 

 

Mapapa-kanta rin sa pasabog performance ng young divas na sina Alexa, Kai, Esang, at Elha.

 

May dalang inspirasyon naman ang bagong kanta ng Magnus Haven na “Gabi-gabi” kasama sina KD Estrada, Jarren, at Christof.

 

Nag-uumapaw sa energy ang number nina Darren, Brent Manalo, Emilio Daez, River Joseph, Fred Moser, Rave Victoria, at Inigo Jose kasama ang pinakamahusay na P-pop groups na 1621, DNA, at WRIVE.

 

Tuloy-tuloy ang positive vibe sa all-star finale performance nina Martin, Gary, Regine, Ogie, Zsa Zsa, Erik, Angeline, Yeng, Belle, Darren, Alexa, Kai, Elha, Esang, Jason, Marko, Jona, Klarisse, Carmelle, JM, Marielle, Christian, at Arvery. 

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo,  Belle, Darren, at Alexa 

 

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa ABS-CBN sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom