News Releases

English | Tagalog

Cinema One, mapapanood na sa iWant simula Marso 24

March 19, 2026 AT 03:14 PM

Mapapanood na ang paboritong Filipino movie channel na Cinema One sa iWant, ang streaming platform na may pinakamalaking collection ng Filipino feels, dala ang iba’t ibang pelikulang Pilipino simula Marso 24.

Magsisimula ito sa pag-ere ng 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “The Mall, The Merrier” na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Anne Curtis, 1pm. 

Handog din ng cable channel ang malawak na movie library, mula sa blockbuster, iconic, at classic films hanggang sa biggest stars, foreign dubbed titles, at critically-acclaimed independent films.

Kilala ang Cinema One bilang tahanan ng iba’t ibang pelikulang Pilipino at ilang original na program nito tulad ng “The B Side” na pinangungunahan ni Bianca Gonzalez. Hatid din nila ang curated movie blocks na Blockbuster Sundays, Romance Central, Restored Cinema, at iba pa na napapanood 24/7.

Dahil dito, lalo pang lumawak ang Filipino movies at series na napapanood sa ABS-CBN streaming platform na iWant.

Maaaring mag-subscribe sa iWant halagang ₱35 kada buwan with limited ads o i-enjoy ang premium subscriptions sa halagang ₱119.

Panoorin ang inyong mga paboritong pelikula sa Cinema One sa iWant simula Marso 24 (Martes). Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

 

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE