Isang engrande at punong-puno ng pasasalamat na selebrasyon ang hatid ni Coco Martin sa “ASAP Presents FPJ’s Batang Quiapo Pasasalamat” ngayong Linggo (March 8) kung saan magsasama-sama ang buong cast ng serye para maghatid ng saya sa fans nilang walang sawang sumuporta sa kanila.
Bonggang powerhouse opening number ang bubungad sa manonood sa pangunguna ni Coco kasama sina Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren Espanto, Alexa Ilacad, BINI, Jona, Elha Nympha, Esang De Torres, at Carmelle Collado pati na rin ang “Batang Quiapo” rappers na sina Bassilyo, Smugglaz, Kial, Sisa, MastaFeat, at Flict-G.
Abangan din ang nakakakilig duet mula kina Coco at Maris Racal.
Susundan ito ng isang pasabog na performance mula kina Ogie, Erik, at Yeng kasama ang naging pamilya ni Tanggol na sina Cherry Pie, Angel Aquino, Rosanna, Roces, Chanda Romero, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, Ron Martin, Elijah Canlas, John Medina,Mark Lapid, Alan Paule, Joel Lamangan, Ihman Esturco, Atty. Rey Campanilla, Tess Antonio, Coach Badong, Chet Pastrana, Atong Redillas, Bobby Henson, Jun Nayra, Nor Domingo, Aleck Bovick, at Raymond Ronquillo.
Paiinitin naman ng babaeng cast members ng serye na sina Ara Davao, Criza Taa, Gillian Vicencio, at Maris hatid ang “ASAP” stage sa isang maalab na dance number.
Panalo rin sa energy ang dance performance nina Darren, AC Bonifacio, Alexa, Jameson Blake, Gela Atayde, JM Ibarra, at Fyang Smith, kasama sina Jake at Aljur at ang iba pang cast members ng “Batang Quiapo” Jojit Lorenzo, Big Mak, Mammoth, Baby Giant, Ryan Martin, Happy Marcial, Ghercie Soriano, Geline Garcia, Nicole Luna, Mama Loi Villarama, Dyosa Pockoh, Tita Jegs Chinel, at Mrena.
Isang makapigil-hiningang tribute din ang hatid Gary Valenciano para sa buong “Batang Quiapo” family na pangungunahan muli ni Coco kasama ang kanyang co-stars na sina Alan, Atty. Rey, Ihman, Tess, Chet, Coach Badong, Atong, Bobby, Jun, Nor, Raymond, Aleck, Mark, John, Ara, Criza, Yukii Takahashi, Happy, Ghercie, Geline, Nicole, Mama Loi, Dyosa, Tita Jegs, Mrena, Kim Domingo, Sumgglaz, Kial, MastaFeat, Flict G., Sisa, Basilyo, Ronwald, Aljur, Jake, Elijah, Jojit, Mammoth, Big Mak, Baby Giant, Ryan, Maris, Rosanna, Chanda, Angel, Cherry, at ang mga direktor ng serye na sina Malu Sevilla, Darnel Villaflor, at Richard Somes.
Huwag din palampasin ang pinaka-aabangang duet nina Coco at Julia Montes sa pagpapakilala nila ng kanilang bagong serye na “Coco Martin’s Sigabo.”
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sa “ASAP Presents FPJ’s Batang Quiapo Pasasalamat” sina Robi Domingo, Darren, Alexa, at Belle.
Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa Kapamilya Channel at ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.
Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

