News Releases

English | Tagalog

iWant, handog ang ika-pitong microdrama na "A Mother's Vengeance"

March 19, 2026 AT 10:38 AM

Bagong vertical microdrama ngayong 2026

Inihahandog ng iWant ang ika-pitong orihinal na vertical microdrama ngayong taon na “A Mother’s Vengeance”

Patuloy ang pagsikat ang paggamit ng vertical na format sa mga manonood dahil sa hatid nitong aliw at halo-halong emosyon sa pinaikling oras.

Pinagbibidahan ito ni Kate Alejandrino-Juan bilang Helen, isang ina na pinagtangkaang ipahamak ng kanyang mga biyenan—ang makapangyarihang pamilya Regala—sa isang planadong aksidente. Lingid sa kanilang kaalaman, nailigtas siya ni Doña Carmen Montinola, na nagbigay sa kanya ng bagong pagkakakilanlan bilang si Serena Montinola upang makapag simula ng muli at ipaghiganti ang sarili.

Habang hinaharap ang kanyang bagong buhay, matutuklasan ni Serena na buhay pa pala ang kanyang mag-ama—Juanito at Anne—ngunit patuloy silang inaalipusta at inaabuso ng pamilyang Regala, ang mismong mga taong nagtangka sa kanyang buhay.

Mag-subscribe na sa iWant at panoorin ang episodes ng “A Mother’s Vengeance” simula Marso 20 (Biyernes).

Manatiling updated sa pamamagitan ng pag-follow sa iWant sa Facebook, TikTok, X, Instagram, at YouTube.

Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE