News Releases

English | Tagalog

Bagong eksena ng KimPau sa “The Alibi,” kinakiligan!

March 19, 2026 AT 05:02 PM

KimPau, malagkit ang tinginan

 

Bagong eksena agad nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bumungad sa pilot episode ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” na labis nagpakilig at nagpa-excite sa fans.

Tampok sa nakakaintrigang eksena ang malagkit na tinginan ng KimPau nang magtagpo sa unang pagkakataon ang kanilang mga karakter sa gitna ng kalsada dahil sa isang aksidente.

Nabulabog din ang fans sa palaban na awra ni Kim na nakasuot ng sexy na damit, kaya inaabangan na rin nila ang susunod pang mga bagong eksena sa mas mahabang bersyon ng serye.

“Unang episode palang binasag na agad yung akala mo’ng alam mo na, dahil napanood mo na nang paulit-ulit. Looking forward to witnessing never-before-seen moments that’ll redefine the storyline. Yanigin niyo ulit ang mundo namin in another epic way,” post ni @uhgood4u sa X.

Inulan din ng papuri ang umaapaw na chemistry ng dalawa, “Okay si Pau, ang galing mukhang totoo ang galit sa mata. Galing nila rito, ‘yung chemistry umaapaw, tingin lang nila sa isa’t isa,” komento ni @nurminz69.

Samantala, ibinida na rin sa unang episode ang ilan sa mga mainit na komprontasyon, kabilang ang alitan nina Vincent (Paulo) at ng karibal niyang si Walter (Sam Milby), at ang sikretong relasyon ni Walter sa asawa ni Vincent na si Claudia (Sofia Andres).

Tutukan ang mga misteryo sa mas mahabang bersyon ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, ng 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood din ang mga bagong episode pitong araw na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ang serye sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para makakuha ng updates sa “The Alibi,” bisitahin ang thealibi.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 6 PHOTOS FROM THIS ARTICLE