News Releases

English | Tagalog

Prime Video and ABS-CBN Studios celebrate star-studded blue carpet premiere of “The Silent Noise”

March 12, 2026 AT 10:48 AM

Blue carpet premiere tampok sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at KD Omalin, dinumog
Dinagsa ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng “The Silent Noise” ng Prime Video at ABS-CBN Studios na ginanap noong Marso 10 (Martes) sa Gateway Mall 2, Cinema 11.
Ipinalabas ang unang episode ng serye, na agad nagpasabik sa mga manonood sa misteryong hatid ng kuwento.
Kabilang sa mga dumalo sa star-studded premiere sina Ralph Malibunas, Kakki Teodoro, Joel Saracho, Junjun Quintana, Monching Gutierrez, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Joem Bascon, Mutya Orquia, Zaijian Jaranilla, KD Omalin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban.
Matapos ang screening, nagkaroon din ng grand media conference kung saan nagbahagi ang cast at creators ng kuwento sa likod ng paggawa ng serye at sinagot ang mga tanong ng entertainment press.
Espesyal ding inimbitahan sa event ang mga miyembro ng Filipino Sign Language (FSL) community bilang pagkilala sa papel ni KD Omalin, isang batang bingi sa serye. Upang maging mas inklusibo ang programa, may FSL interpreters na nagsalin ng buong media conference para sa kanila.
Umiikot ang kuwento ng “The Silent Noise” sa isang pamilyang unti-unting nabubunyag ang mga lihim matapos ang isang trahedya. Habang lumalalim ang misteryo, nasusubok ang kanilang pagmamahalan, tiwala, at katahimikan na matagal nilang tinago.
Mapapanood ang “The Silent Noise” simula Marso 20 sa Prime Video, kung saan dalawang bagong episode ang ilalabas kada linggo at mapapanood sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.
Mapapanood na ang “The Silent Noise” simula ngayong Marso 20 (Biyernes) na may dalawang bagong episodes kada linggo para tuloy-tuloy ang panonood ng viewers.
 
Kasama ang “The Silent Noise” sa iba pang catalogue ng Prime Video gaya ng :The Alibi,” “LOL: Last One Laughing Philippines,” “Linlang,” “Drag Den with Manila Luzon Seasons 1 at 2” Mga Korean titles gaya ng “Siren’s Kiss,” “Spring Fever,” “Surely Tomorrow,” “Nice to Not Meet You,” “Confidence Queen,” “Head Over Heels,” “GOOD BOY,” “Newtopia,” “Marry My Husband” Anime hits tulad ng “Mobile Suit Gundam GQuuuuuuX,” “Jujutsu Kaisen 0,” “Rurouni Kenshin” Bukod pa rito ang mga award-winning at critically acclaimed na serye at pelikula mula sa Amazon MGM Studios gaya ng “Young Sherlock,” “Fallout,” “The Bluff,” “Heads of State,” “Reacher,” “Red One,” “Road House,” “The Boys,” “The Lord of the Rings: The Rings of Power,” at “The Summer I Turned Pretty,” pati na rin ang mga fan favorites tulad ng “John Wick” at “Challengers”
Nagbibigay din ang Prime Video ng eksklusibong access sa live sports coverage kabilang ang NBA, at mga acclaimed sports documentaries gaya ng “Bye Bye Barry,” “Kelce,” at “Earnhardt” Maaaring mapanood ng mga Prime Video members ang mga palabas at pelikula kahit saan at kahit kailan sa libo-libong compatible devices. Sa Prime Video app, puwede ring i-download ang episodes sa mobile devices at tablets para mapanood offline nang walang karagdagang bayad.
 Ang Prime Video ay available sa Pilipinas sa halagang P149 kada buwan.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 18 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Prime Video and ABS-CBN Studios celebrate star-studded blue carpet premiere of “The Silent Noise”