Mapapanood simula Marso 16 sa free TV!
Pangungunahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang Primetime Bida ng ABS-CBN simula Marso 16 (Lunes) ng 8 PM, para sa “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” hatid ang mas mahabang bersyon at bagong mga eksenang hindi pa nakikita.
Itotodo na ng KimPau ang kaba, drama, at kilig sa bago at mas mahabang bersyon na ipapalabas kung saan ibibida ang tumataas na tensyon sa pag-iibigan nina Stella (Kim) at Vincent (Paulo), at sa paglutas ng umiigting na misteryo kaugnay sa pagpatay kay Walter (Sam Milby).
Dapat din tutukan ang mas madaming makapigil-hiningang eskandalo at komprontasyon ng mga bida at ang kaabang-abang na ibang bersyon ng finale na siguradong gugulat sa lahat.
Nakasentro ang kwento ng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” sa escort na si Stella at ang tagapagmana ng makapangyarihang news agency na si Vincent. Unti-unting mai-inlove sa isa’t isa ang dalawa habang nagpapatong-patong ang kanilang mga problema sa paglutas kung sino ang totoong pumatay sa kasosyo nilang si Walter.
Mapapanood ang “The Alibi: Ang Buong Katotohanan” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Tutukan ang misteryo sa “The Alibi: Ang Buong Katotohanan,” gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, simula Marso 16 (Lunes) ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood din ang mga bagong episode pitong araw na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ang serye sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





