News Releases

English | Tagalog

Star Creatives ng ABS-CBN, itinatampok ang natatanging ganda ng Puerto Galera sa "The Secrets of Hotel 88"

March 27, 2026 AT 01:29 PM

Tuklasin ang magagandang tanawin ng probinsya

Binibigyang-buhay ng Star Creatives ng ABS-CBN ang misteryo at romansa sa collaboration project nila kasama ang GMA na “The Secrets of Hotel 88” kung saan mas pinatingkad ang kwento gamit ang magandang lokasyon ng Puerto Galera.

Mula sa likod ng mga hit series na “Incognito,” “Can’t Buy Me Love,” “It’s Okay Not To Be Okay,” “La Luna Sangre,” at “Bagani,” muling ipinamalas ng Star Creatives ang galing nito sa paglikha ng visually compelling na serye at ngayon nga ay nasisilayan ng manonood ang magagandang tanawin sa Puerto Galera.

Labis na pinuri ng cast ang effort ng buong production kung paano nila binigyang buhay ang serye sa Puerto Galera.  Ani Mika Salamanca, “Sobrang ganda ng Puerto Galera at sobrang fit sa kwento—napadali nilang ma-bring to life yung Hotel 88.” Dagdag naman ni AZ Martinez, “Nandito lahat ng kailangan—gubat, dagat, resorts.”  “Bukod sa sikreto ng Hotel 88, naipakita din nila ang hidden gems ng Puerto Galera at napaganda ng setting ang kwento,” ani ni Xyriel Manabat.

Sa ngayon, patuloy ang matinding banggaan sa pagitan ng pamilyang Fernandez at Almazan habang  paisa-isang nabubunyag ang matagal na mga lihim ng nakaraan na lalong nagpapataas ng tensyon sa bawat episode.

Samantala, hindi  natitinag ang serye at nanatili itong pinaka-most watched series sa iWant dahil sa maganda nitong istorya na pinagbibidahan ng kinagigiliwang “PBB Celebrity Collab Season 1 housemates,” at ang Puerto Galera.

Mapapanood ang “The Secrets of Hotel 88” Lunes hanggang Biyernes, 9:35 PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Maaari ring i-download ang iWant at mag-subscribe para mapanood ang mga episode pitong araw bago ang free TV broadcast nito.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE