
Binisita ng ilang MBA students mula sa Columbia Business School, isa sa mga nangungunang business school sa United States, ang ABS-CBN bilang bahagi ng kanilang global immersion program.
Kasama ni Prof. Medini Singh ang kanyang mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng mundo, mula sa Brazil, Canada, Chile, India, the Philippines, Spain, the United Arab Emirates, at the United States.
Mainit silang tinanggap nina ABS-CBN president Carlo Katigbak, head of transformation and innovation Mark Nepomuceno, head of news Francis Toral, head of corporate communications Kane Errol Choa, at ABS-CBN Foundation Inc. consultant Cid Bonilla.
Nakibahagi rin ang mga estudyante sa isang fireside chat kasama sina Katigbak at Nepomuceno, kung saan tinalakay nila kung paano patuloy na nagbabago ang kumpanya sa gitna ng nagbabagong global media landscape.
Bilang bahagi ng kanilang pagbisita, nilibot nila ang mga studio facility at nakisaya rin sila sa live studio audience ng hit noontime show na “It’s Showtime.”
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, and TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.





