Abangan ang bakbakan sa huling 6 na gabi!
Lubos na nagpapasalamat sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa pagmamahal ng fans sa pagtatapos ng “Roja,” kung saan dugo’t pawis na action scenes ang ipinagdaanan ng kanilang mga karakter.
Sa finale media conference nitong Biyernes (Marso 6), inamin ng dalawang Kapamilya heartthrob na may mga pagkakataon na totoo silang nasaktan sa action scenes ngunit marami silang babaunin na aral at masayang karanasan.
“I want to thank the fans. Kasi kung wala sila, wala ‘yung series na ‘to. We went through a lot for this project. There were times na na-injure talaga kami sa scenes. I am just privileged to have gone through this with such a talented cast. Personally, action isn’t my comfort zone but I really learned so much,” saad ni Donny.
Dagdag naman ni Kyle na hindi mabibitin ang viewers sa makapigil-hiningang finale, “We went through literal blood, sweat, and tears for this project. Nakaka-proud. It’s bittersweet and I’m excited for everyone to see the finale.”
Sa nalalabing episodes ng “Roja,” handa na sina Donny at Kyle na punuin ng aksyon ang huling sagupaan nila sa mga hostage-taker na pinangungunahan ni Emil (Joel Torre).
Kung pasabog ang aksyon, pasabog din ang mga emosyonal na tagpo sa serye sa pagtuklas ni Olsen (Kyle) ng tunay na pagkatao ng kanyang ama, kasabay ng mabigat na desisyon ni Liam (Donny) na isuko sa pulisya ang kanyang inang si Greta (Lorna Tolentino) matapos mapatunayang ito ang mastermind ng hostage-taking.
Masasaksihan din ang mainit na komprontasyon ng dalawang mahusay na aktres sa labanan ng mga nanay dahil malalantad na ang buong katotohanan ng pagiging kabit ni Wendy (Janice De Belen) kay Magnus (Raymond Bagatsing), ang asawa ni Greta.
Para mapanood ang pasabog na finale ng “Roja” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
Sabay-sabay tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng “Roja” gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood din ang pinakabagong mga episode ng serye 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant. Maaari rin itong mapanood sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa impormasyon tungkol sa “Roja,” bisitahin ang roja.abs-cbn.com. Para sa iba pang updates sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.








