News Releases

English | Tagalog

Grupong Baby Dolls ng "It's Showtime," magpapaindak sa kanilang debut EP

March 27, 2026 AT 08:24 AM

“ZoomBaby Dolls” EP, naglalaman ng 5 kanta na swak pang workout

Handa nang magpaindak ang all-female dance group ng “It’s Showtime” na Baby Dolls sa kanilang unang extended play (EP) na “ZoomBaby Dolls,” na naglalaman ng limang nakagigiliw na kanta.

Binubuo ang seven-member group nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Johaira Moris, Juby Sabino, Jelai Ahamil, Eriel Reyes, at Ina Ortega, na nagmula sa mga segment ng “It’s Showtime” na “Girl on Fire” at “Sexy Babe.”

Inilabas ng StarPop ang debut EP ng grupo na humugot ng inspirasyon sa fitness routines, araw-araw na glow-ups, at feel-good moments para hikayatin ang listeners tungo sa wellness at maghatid ng positibong enerhiya. 

Nagsisilbing key track nito ang “Ikembot Mo,” isang nakakaindak na kanta na talaga namang maghahatid ng kumpiyansa at saya.

Isinulat at prinodyus ito ni Christian Martinez, inareglo ni Albert Tamayo, at pinangunahan ni StarPop label head Roque “Rox” Santos bilang supervising producer. 

Kasama rin sa EP ang mga awiting “Clap Clap Clap Alright!,” “Kitang Kita,” “Oooh Lala Baby,” at “Dulce Tirah Tirah.”

Abangan ang Baby Dolls sa “It’s Showtime” at pakinggan ang kanilang “ZoomBaby Dolls” EP sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE

Grupong Baby Dolls ng "It's Showtime," magpapaindak sa kanilang debut EP