News Releases

English | Tagalog

KimPau, DonBelle, at PBB Celebrity Collab 2.0 Kapamilya Big 4, pupunuin ng kilig at kulitan ang “ASAP” ngayong Linggo

March 13, 2026 AT 02:46 PM

BINI  at Maki, may dalang mga bagong tugtugin sa “ASAP”

 

Umaapaw na kilig at kasiyahan ang mararamdaman ng fans sa “ASAP” ngayong Linggo (Marso 15) sa hatid nitong bonggang performances at surprises, sa pangunguna ng mga bida ng “The Alibi” na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, Donny Pangilinan at Belle Mariano, at PBB Celebrity Collab 2.0 Kapamilya Big 4. 

 

Hindi dapat palampasin ng fans ang hinandang surpresang performance ng mga bida ng “The Alibi” na sina Kim at Paulo.

 

‘Wag din palalampasin ang pasabog na opening party mula kina Ogie Alcasid, Erik Santos, Yeng Constantino, Donny, Belle, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Kai Montinola, Jona, Jane De Leon, Jason Dy, Sofronio Vasquez, kasama ang G-Force, Horns Section, at MNVRS Ignite. 

 

Maki-kulitan at chikahan sa PBB Celebrity Collab 2.0 Kapamilya Big 4 Miguel Vergara, Joaquin Arce, Krystal Mejes, at big winner na si Lella Ford, kasama ang “ASAP” hosts.

 

Ihanda ang puso para sa isang pasabog na performance mula sa BINI sa pag-perform  nila ng kanilang bagong single na “Unang Kilig” sa “ASAP” stage. 

 

Makisabay din sa jamming kasama ang bagong single ni Maki na “Nangungulila.”

 

Mas lalo pang tumitindi ang kaganapan sa inaabangang collab number nina Bamboo at Carmelle Collado.

 

May handog na pasasalamat performance ang mga bida ng “Roja” na sina Donny, Kyle, Maymay, at Kai, kasama ang Legit Status.

 

Patuloy ang mga sorpresa dahil unang mapapakinggan sa “ASAP” ang pinakabagong komposisyon ni Ogie na “Ang Awit Ko Sa’yo”. Samantala, abangan din ang pangmalakasang kantahan mula sa New Gen Divas na sina Alexa, Kai, Elha, at Elha.

 

Bibida rin ang kaabang-abang na duet nina Gary Valenciano at Moira Dela Torre.

 

Tuloy-tuloy naman ang biritan mula sa duet champions na sina Erik at Jona, Arvery Lagoring at Christian Tibayan, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, Sofronio at Carmelle.

 

Walang bibitaw dahil makikisabay din si Imogen sa kasiyahan, handog ang kanyang bagong single kasama ang Baby Dolls. Samantala, bilang pagdiriwang ng Women’s Month, may pasabog dance party sina Maymay, Belle, Jane, Teacher Georcelle, ang G-Force, G-Force students, at G-Force teachers sina Lorelaine Sañosa at Arryzza Santos.

 

Isang all-star finale performance ang mapapanood ng fans mula kina Erik, Yeng, Darren, Alexa, Jona, Elha, Esang, Sofronio, Marko Rudio, Jason, JM Yosures, Khimo Gumatay, at G-Force.

 

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Donny, Darren, Alexa, at Belle. 

 

Tutok na sa pinakamatagal at award-winning musical variety show ng bansa na “ASAP” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWant, at TFC.

Para sa iba pang updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE