Limang bagong awitin para sa kanilang panibagong yugto
Muling nagpapakilala ang P-pop group na 1621 sa kanilang bagong extended play (EP) na “1621: BEGIN” na inilunsad sa ilalim ng StarPop label ng ABS-CBN.
Ibinida ng 1621 members na sina JM, JC, Win, Migz, at DJ sa five-track EP ang mga tema ng pag-abot sa kanilang pangarap, emotional uncertainty ng taong hindi pinili, pagkakaroon ng unang crush, pag-ibig na biglang natigil, at relatable feels ng kilig na maririnig sa limang awitin.
Nagsisilbing key track ng mini-album ang “Oh, Ano?” na umiikot sa pagmamahal sa isang taong hindi kayang suklian ang pag-ibig.
Kabilang sa EP ang mga awitin:
- “Manifest Mo Na ‘Yan” na isinulat ni Rox Santos
- “Oh Ano?” nina Kice, Bailey May, Moophs
- “Ikaw Lang” ni Ron Pangyarihan
- “Orasan” nina JM Asis at Ron Pangyarihan
- “Lulaley” ni Perry Lansigan
Maririnig ang mga awitin mula sa “1621: BEGIN” EP sa launch nito sa SM MOA Sky Amphitheater sa Sabado (Marso 14), 4:21pm. Free admission ang event para sa lahat ng fans.
Inilunsad ng 1621 ang kanilang self-titled debut EP noong 2024 tampok ang singles na “Laruan” at “Ikaw at Ikaw.” Sinundan nila ito ng kanilang “Sapulso” EP na naglalaman ng trending hit song na “Bababa” na umani ng mahigit 2.2 million streams at 350 million views sa TikTok. Sa kasalukuyan, ang “Sapulso” ay umarangkada na sa 3 million streams sa Spotify.
Patuloy na gumagawa ng pangalan ang grupo matapos silang hirangin bilang P-pop Potential sa 9th P-Pop Music Awards. Naging nominado rin sila para sa Best Performance by a Group sa 37th Awit Awards at Male Group of the Year sa Jupiter Music Awards.
Available ang “1621: BEGIN” EP sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa updates, sundan ang 1621 sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.
Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.


