Patuloy ang pag-angat ng global storytelling ng ABS-CBN matapos magtala ng malakas na debut sa Prime Video Philippines. Eksklusibong mapapanood ang 10-episode mystery-thriller limited series na “The Silent Noise” sa plataporma bago ang nakatakda nitong international release.
Binigyang-diin ni ABS-CBN Chief Operating Officer na si Cory V. Vidanes ang kahalagahan na dalhin ang serye sa iba’t ibang bansa.
“Nakaka-engganyo ang mga komento para sa “The Silent Noise” habang inihahanda namin ito ipalabas sa global market. Patuloy pa rin ang commitment namin na iparating ang mga kwentong Pilipino sa aming manonood sa iba’t ibang panig ng mundo.”
Ibinida rin ng Creative head na si Tanya Bautista na inilikha ang serye na parehong lokal at international audiences ang nasa isip.
“Gusto namin gumawa ng kwentong fresh at totoo, something na makaka-relate ang mga manonood kahit saan man sila naroroon.”
Ang “The Silent Noise” ang kauna-unahang Filipino limited series ng ABS-CBN na ilulunsad sa global market, na magkakaroon ng iba’t ibang language versions upang mas maabot ang mga manonood worldwide.
Sinusundan ng kwento ang isang pamilya na may anak na binge at unti-unting babalutin ng misteryo at suspetsya matapos ang isang trahedya.
Itinatakda ng “The Silent Noise” ang ika-limang pagtatambal nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Introducing KD Omalin at kasama sina Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia, Mylene Dizon, Joem Bascon, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, Ramon Christopher Gutierrez, Junjun Quintana, Joel Saracho, and Kakki Teodoro.
Mapapanood ang bagong episodes ng “The Silent Noise” tuwing Biyernes, 6PM eksklusibo sa Prime Video.
Para sa iba pang balita, sundan ang @ABSCBNPR sa social media o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.






